MUST WATCH

              ZAMBALESAVP  

                 AN AUDIO VIDEO PRESENTATION    

The Department of the Interior and Local Government of Zambales (DILG Zambales) headed by Dir. Armi V. Bactad, CESO V led the conduct of Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) for 2019 of the municipalities of Zambales on October 20, 2021 via Zoom Meeting Platform.

The provincial audit team composed of the following members assessed and evaluated the documents submitted by the LGUs: Ms. Carmela D. Pacis of the Provincial Social Welfare and Development Office (PWSDO), Ms. Myrna Empeno and Mr. Romar Jay Quijano of the Provincial Planning and Development Office, Ms. Ailyn Eay of the Department of Education, Mr. Christian Diomino Antiquera of the Provincial Health Office, Pastor Myrna Torres of the Civil Society Organization (CSO) with the DILG Provincial Personnel: LGOO VI Cindy C. Cagalitan, LGOO VI Kristine Joy B. Pesimo, LGOO II Paulin Johanne L. Reyes and LGOO II Aljon S. Bautista.

Being the Chairperson of the Provincial Inter-Agency Monitoring Task Force (PIMTF), the DILG Zambales led by Provincial Director Armi V. Bactad, spearheaded the conduct of the Provincial Validation on the Functionality of the Local Committees on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) last October 19, 2021 via Zoom Meeting Platform.

The activity was attended by the PIMTF members: Ms. Carmela D. Pacis of the Provincial Social Welfare and Development Office (PWSDO), Atty. Joe Mari Nacin of the Provincial Prosecutor’s Office, Mr. Christian Diomino Antiquera of the Provincial Health Office, PMAJ Herminia Fontanilla of the Zambales Police Provincial Office, Pastor Myrna Torres of the Civil Society Organization (CSO) with the DILG Provincial Personnel: LGOO VI Cindy C. Cagalitan, LGOO VI Kristine Joy B. Pesimo, LGOO II Paulin Johanne L. Reyes and LGOO II Aljon S. Bautista.

LGOO VI Cindy Cagalitan discussed the guidelines of the functionality assessment and proceeded with the presentation of the result of the functionality audit. The PIMTF validated the result and agreed with the submission of the required forms.

The Department of the Interior and Local Government (DILG) Zambales headed by Provincial Director Armi V. Bactad,facilitated a 3-day Orientation-Workshop on the formulation of Capacity Development Agenda (CapDev)for the Local Government Unit (LGU) Capacity Development Committees from the 13 municipalities and provincial government of Zambales on October 6-8, 2021 via Zoom meetings platformin anticipation for the implementation of the full devolution next year.

In attendance were the key members of the LGU Capacity Development Committee composed of the local chief executives (LCEs), vice mayors, local administrators, department heads and liga ng mga barangay (LnB) presidents of the 13 LGUs of Zambales including the Provincial Government of Zambales.

The activity aims to fully prepare the LGUs as they transition to full devolution through the initial step in looking into their capacities in performing the devolved duties and functions. The formulation of the CapDev Agenda plays a critical role in helping local officials map out their capacity development interventions to achieve desired results.

Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) ng Lalawigan ng Zambales sa pamumuno ng Direktor Armi V. Bactad, CESO V sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-tulungan sa Lokal na Pamahalaan ng Botolan, sa pamamagitan ng Task Force End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) nito ay matagumpay na nagsagawa ng aktibidad nitong ika-30 ng Setyembre taong kasalukuyan na pinamagatang ‘Capacitating Barangay Based Institutions cum Strengthening Community Security Mechanisms and Structures and Information Drive for Peace, Security and Development,’ na naglalayong mapaigting ang kasanayan at kakayahan ng mga pamahalaang barangay sa paglaban at pagsugpo sa komunismo at terorismo at sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang mga sa komunidad.

Ang nasabing gawain ay dinaluhan ng mga opisyal ng Barangay Cabatuan, Maguisguis, Poonbato, Cabatuan at Villar ng Bayan ng Botolan at Barangay Guisguis ng Bayan ng Sta. Cruz na pawang mga kabilang sa mga benepisyaryo ng Retooled Community Support Program (RCSP) at Support to Barangay Development Program (SBDP). Ang gawain ay bahagi ng mga hakbanging nakapaloob sa Executive Order No. 70 o mas kilala bilang Whole of Nation Approach.

Sa kanyang pambungad na mensahe, taos-pusong pinasalamatan ni Mayor Doris E. Maniquiz ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa napakagandang programang pinagkaloob ng pamahalaan sa kanilang bayan. Ayon kay Mayor Maniquiz, napakapalad ng limang barangay dahil sila ay napiling benepisyaryo ng mga programang ito at kanyang hiniling na sana’y ang pondong maipagkakaloob ng gobyerno ay magamit ng tama at ang mga proyektong maipapatayo at maiimplementa ay mapangalagaan at maging kapakipakinabang sa lahat upang ang mga problema ng insurhensiya ay kung hindi man tuluyang mawala ay mabawasan.

 

Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) ng Zambales, sa pamumuno ni Direktor Armi V. Bactad, CESO V ay nagsagawa ng isang panlalawigang oryentasyon upang matulungan ang anim (6) na barangay ng Zambales na itinalagang mga benepisyaryo ng Support to Barangay Development Program (SBDP) para sa taong 2022 — sa paghahanda ng kani-kanilang listahan ng mga prayoridad na proyekto noong Setyembre 20, 2021, 2:00 NH, gamit ang zoom meeting application.

Ang nasabing oryentasyon ay naglalayong matulungan ang mga benepisyaryong barangay Cabatuan, Maguisguis, Nacolcol, Poonbato, at Villar ng Bayan ng Botolan at Barangay Guisguis ng Bayan ng Sta. Cruz sa pagsasaayos ng kanilang listahan ng mga prayoridad na proyekto na siyang tutugon sa isyu sa kanilang mga nasasakupan na pawang nakapaloob sa kani-kanilang mga Barangay Development Program.

Ang gawain ay dinaluhan ng iilang kawani ng lokal na pamahalaan ng mga Bayan ng Botolan at Sta. Cruz, mga Punong Barangay ng mga nasabing barangay, mga kawani ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal mula sa pangrehiyong at panglalawigang tanggapan, at mga Municipal Local Government Operations Officers (MLGOOs) ng nasabing bayan.

Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) ng San Narcisokatuwang ang tanggapan ng Punong Bayan ng San Narciso ay nag-sagawa ng isang gawaing naglalayong makapagbigay ng tulong teknikal sa Devolution Transition Committee (DTC) noong ika-29 ng Setyembre taong 2021 sa pamamagitan ng Zoom Cloud Meetings application.

Ang gawain ay alinsunod sa Supreme Court ruling ukol sa Mandanas-Garcia petitions, Executive Order No. 138 series of 2021, at ng Joint Memorandum Circular No. 1 s. ng Kagawaran ng Badyet at Pamamahala (DBM) at DILG na pawang nag-uudyok ng ganap na debolusyon ng mga tungkulin, serbisyo at pasilidad mula sa mga ahensya ng gobyerno tungo sa mga pamahalaang lokal.

Sa nasabing gawain, isa-isang ipinakita ng mga miyembro ng San Narciso DTC at sinuri ni Municipal Local Government Operations Officer Dan Esteban ang mga bahagi ng kanilang Devolution Transition Plan (DTP), mula sa imbentaryo ng mga tungkuling ganap na ipapasa sa lokal na pamahalaan, pagpapanahon sa tungkuling ganap na aakuin sa loob ng taon 2022-2024, mga inisyatibang magpapatibay sa kapasidad at mga mungkahing rebisyon sa istraktura ng organisasyon. Bukod dito, tinalakay rin ng DTC at ng DILG ang pagsusuri sa pagtataya ng local revenue na siyang magiging kasangkapan sa pagpaplano ng lokal na pamahalaan na mapangasiwaan ang mga pondo at mabigyang solusyon ang fiscal gap mula sa National Tax Allocation (NTA)na dulot ng pandemic .

Nakatakdang magpasa ang lahat ng bayan ng kani-kanilang DTP pagkatapos ng siyamnapung (90) araw matapos maibaba ang DILG-DBM JMC No 1 s. 2021. Patuloy ang pagtatasa ng San Narciso DTC sa kanilang plano upang patuloy na matamasa ng kanilang nasasakupan ang mga serbisyong nakatakdang i-atang sa balikat ng mga pamahalaang lokal.

Isinulat ni: LGOO VI Dan A. Esteban

Subcategories

 

MELISSA D. NIPAL
OIC-Provincial Director

Log-in Form

Follow Us On

 

 DILG ZAMBALES FB ACCOUNT

DOST-PAGASA Weather Update