MUST WATCH

              ZAMBALESAVP  

                 AN AUDIO VIDEO PRESENTATION    

Sa pangunguna ni Gobernador Hermogenes E. Ebdane, Jr., pinuno ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) ng lalawigan ng Zambales, katuwang ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG)-Zambales na pinamumunuan ni Direktor Armi V. Bactad, matagumpay na naidaos ang pagpupulong ng tatlong (3) konseho para sa ikatlong kwarter ng taon, ngayong Setyembre 16, 2021 gamit ang zoom application upang talakayin ang sitwasyon at mga hakbangin para sa peace and order and safety ng lalawigan.

Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga miyembro ng tatlong konseho na binubuo ng mga nasyonal na ahensya, mga punong bayan ng labintatlong (13) munisipalidad sa Zambales, mga pinuno ng kagawaran ng lokal na pamahalaan ng lalawigan at mga Civil Society Organizations (CSOs).

Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Gobernador Ebdane ang kanyang patuloy na pagsuporta sa mga hakbangin ng mga stakeholders sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Zambales, gayundin sa pagsasaayos ng mga polisiya tungkol sa pangangasiwa ng lalawigan kontra sa paglaganap ng COVID-19.

Sinimulan ng bayan ng Botolan — katuwang ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) Botolan — ang serye ng mga oryentasyon bilang paghahanda sa Municipal Devolution Transition Committee (MDTC) at mga Barangay Devolution Transition Committee (BDTC), kaugnay sa pagharap sa ganap na paggampan ng mga tungkulin alinsunod sa Executive Order No. 138 na nagsimula noong Agosto 18 hanggang Setyembre 10, 2021 gamit ang blended approach of learning.
Ang mga gawain na alinsunod sa nasabing utos ehekutibo ay nagsimula matapos pormal na ibinaba noong Agosto 11, 2021, ang Joint Memorandum Circular (JMC) No. 1 ng Kagawaran ng Badyet at Pamamahala (DBM) at DILG na nagbibigay gabay sa mga lokal na pamahalaan sa paghahanda sa kani-kanilang mga devolution transition plan (DTP) — kung saan mababalangkas ang mga inisyatiba at gawain ng isang pamahalaang lokal patungo sa ganap na debolusyong magsisimula sa taong 2022. Ayon sa nasabing JMC, binibigyan ang mga bayan ng siyamnapung (90) araw at ang mga barangay ng animnapung (60) araw upang masapinal ang kanilang mga DTP.

Pinangunahan ng panlalawigang tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) ng lalawigan ng Zambales kasama ang lahat ng Pinunong Tagapagpakilos ng Pamahalaang Lokal (MLGOOs) at mga provincial focal persons ang panlalawigang oryentasyon patungkol sa Seal of Good Local Governance for Barangays (SGLGB) ngayong ika-13 ng Setyembre 2021 sa pamamagitan ng Zoom Cloud Meetings application.

Hinikayat ni Panlalawigang Patnugot Armi V. Bactad ang mga Punong Barangay, kasama ang mga Sangguniang Barangay na itaguyod ang mahusay na pamamahala sa kani-kanilang nasasakupan bilang mga frontliners at unang mukha ng pamahalaan sa kani-kanilang mga komunidad, higit pa sa pagkilala na maaaring ibigay ng SGLGB sa kanilang panunungkulan.

Mahalaga ang gampanin ng SGLGB. Ito ay isang mekanismo para tumaas ang antas ng kakayahan ng barangay government," paliwanag ni Dir. Bactad.

Sa pangungunan ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan, isinagawa noong Setyembre 9, 2021, ang Oryentasyon sa Pagbalangkas ng Devolution Transition Plan (DTP) ng mga barangay. Ito ay dinaluhan ng DILG Municipal Local Government Operations Officers (MLGOOs) at Barangay Devolution Transition Committees (DTCs) mula sa mga bayan ng Candelaria, Masinloc, San Felipe, San Marcelino, Sta. Cruz at Subic sa pamamagitan ng Zoom Meeting Application.
Ibinahagi ni MLGOO Cindy C. Cagalitan ang Rationale at Legal Overview bilang batayan sa pagbalangkas ng nasabing plano. Kanya ring ibinahagi kung paano malalapatan ng karampatang mga datos ang Annexes E at F na kasama sa mga kailangang magawa at maipasa ng mga barangay.

Pinulong ni Governor Hermogenes E. Ebdane, Jr. ang mga punong bayan ng mga munisipalidad ng Zambales kabilang na din ang kani-kanilang mga Municipal Health Officers (MHOs) upang pag-usapan at balangkasin ang mga stratehiya ng buong lalawigan upang labanan ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa probinsya, ngayong araw, ika-27 ng Agosto, 2021. Ito ay sa kabila na din ng pagtatala ng unang kaso ng Delta variant sa lalawigan, katulad ng naianunsyo ng Gobernador kagabi, sa pamamagitan ng Zambales for the People Facebook Page.

Ang nasabing pagpupulong ay naglalayong matalakay ang mga susunod na hakbangin sa pagpigil ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa probinsiya lalo na sa mga munisipyong nakapagtala ng pinakamatataas na bilang ng kaso sa mga nagdaang araw.

Sa pangunguna nina Direktor Armi V. Bactad, CESO V, Panlalawigang Patnugot ng DILG Zambales, PCOL Romano V. Cardiño, Panlalawigang Patnugot ng Zambales Police Provincial Office at sa tulong ni Dr. Noel C. Bueno, Provincial Health Officer (PHO), ang pagpupulong ay matagumpay na naidaos at nagsilbing daan upang talakayin ang mga kasalukuyang isyu ng bawat bayan ng Zambales patungkol sa paglaganap ng COVID-19.

Ang DILG Castillejos katuwang ang Castillejos Municipal Devolution Transition Committee (DTC) ay nagsagawa ng pagsasanay para sa pagbabalangkas ng Barangay Devolution Transition Plan noong ika-9 ng Setyembre 2021 sa pamamagitan ng google meet.
Si LGOO VI Sheryl Ann Q. Dungca ay nagbigay ng pangkalahatang ideya ng aktibidad at tinalakay ang mga legal na basehan ng implementasyon ng Supreme Court ruling sa Mandanas-Garcia petisyon na kung saan ang pondo ng mga yunit ng pamahalaang lokal ay magkakaroon ng pagtaas at ngayon ay tinatawag na National Tax Allotment o NTA. Ang aktibidad ay nagsilbi ding pagkakataon upang ibigay ang alituntunin sa pagbalangkas ng LGU Devolution Transition Plan (DTP).
Ang Castillejos Devolution Transition Committee sa pangunguna ni Punong Bayan Eleanor D. Dominguez ay nagpahayag ng suporta sa barangay upang mabuo ang kanilang Devolution Transition Plan.

Subcategories

 

MELISSA D. NIPAL
OIC-Provincial Director

Log-in Form

Follow Us On

 

 DILG ZAMBALES FB ACCOUNT

DOST-PAGASA Weather Update