Sa pangungunan ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan, isinagawa noong Setyembre 9, 2021, ang Oryentasyon sa Pagbalangkas ng Devolution Transition Plan (DTP) ng mga barangay. Ito ay dinaluhan ng DILG Municipal Local Government Operations Officers (MLGOOs) at Barangay Devolution Transition Committees (DTCs) mula sa mga bayan ng Candelaria, Masinloc, San Felipe, San Marcelino, Sta. Cruz at Subic sa pamamagitan ng Zoom Meeting Application.
Ibinahagi ni MLGOO Cindy C. Cagalitan ang Rationale at Legal Overview bilang batayan sa pagbalangkas ng nasabing plano. Kanya ring ibinahagi kung paano malalapatan ng karampatang mga datos ang Annexes E at F na kasama sa mga kailangang magawa at maipasa ng mga barangay.
Samantala, ibinahagi ni MLGOO Kristine Joy B. Pesimo ang presentasyon patungkol sa Capacity Development (CapDev) Agenda at mga hakbangin ukol sa pagbuo nito bilang dagdag kaalaman at paghahanda sa pagbalangkas ng mga Barangay CapDev.
Nagkaroon rin ng pagkakataon ang mga barangay na makapagplano at makabuo ng stratehiya tungo sa komprehensibong pagbalangkas ng mga naturang annexes ng DTP sa pamamagitan ng breakout room sessions.
Ang DTP ay isang plano para matiyak na handa, may sistema, at magkakaugnay ang aksyon ng LGU tungo sa kanilang pagsasawa ng full devolution sa lahat ng kanilang serbisyo simula sa taong 2022. Ito ang magsisilbing gabay upang mas mapalakas ng LGU ang kanilang serbisyo at kakayahan sa susunod na tatlong taon.
LGOO VI Cindy C. Cagalitan
LGOO VI Kristine Joy B. Pesimo
LGOO VI Mae Catherine N. Quintana
LGOO VI Milaflor A. Torcadilla
LGOO II Stephany A. Panaligan