Pagsusuri at Kalibrasyon ng mga Locally-Funded Projects sa Zambales: Hakbang tungo sa Makabuluhang Pag-unlad ng Komunidad
- Details
- Written by DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 484
Isinagawa ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) Zambales ang Pagsusuri at Kalibrasyon ng estado ng mga Proyekto at kaukulang ulat sa ilalim ng programang Local Government Support Fund (LGSF) at Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) ngayong ika-3 ng Mayo, 2024 sa pamamagitan ng Zoom Video Conference.
Tara, Ipanalo natin ang mga Pamanang iniwan sa’tin
- Details
- Written by DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 458

Sa bisa ng Presidential Proclamation No. 439, ang buwan ng Mayo ay itinalaga bilang buwan ng paggunita sa mga pambansang pamana ng Pilipinas. Layunin nito ay ang patuloy na pagsulong, pagpapaunlad, at pagtanyag ng pamanang pangkultura at pangkasaysayan sa pamamagitan ng pananaliksik, pagpapakalat, konserbasyon, pamamahala ng pook at eraldika.
Read more: Tara, Ipanalo natin ang mga Pamanang iniwan sa’tin
Panlalawigang Pagpupulong para sa buwan ng Abril, Idinaos
- Details
- Written by DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 432

KITA SA MGA LARAWAN
- Details
- Written by DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 402

Dinaluhan ng DILG Zambales ang pagpupulong hinggil sa Tranformation Orientation and Levelling Session na isinagawa ng Office of the Presdiential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) kanina, ika-30 ng Abril 2024 sa Balin Sambali, Iba, Zambales.
Nagbigay ng maikling impormasyon at presentasyon si LGOO II Lui Felise Pantaleon hinggil sa estado ng implementasyon ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) sa probinsya.
Dumalo din sa nasabing aktibidad ang mga myembro ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
SGLGIF Projects ng tatlong bayan sa Zambales, pinasilayan sa publiko
- Details
- Written by DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 617

Pinangunahan ni ARD Jay E. Timbreza, CESO V, ikalawang panrehiyong patnugot ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal, Rehiyon III, ang pagpapasinaya ng tatlong (3) proyekto sa ilalim ng programang Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) taong 2022 at 2023, sa mga bayan ng Botolan, San Antonio at San Marcelino, nitong ika-23 ng Abril, taong kasalukuyan. Kabilang sa mga dumalo sa nasabing inagurasyon ay sina Martin Porres B. Moral, CESO V, Panlalawigang Patnugot, DILG Zambales, Punong Bayan Jun Omar Ebdane (Botolan), Punong Bayan Edzel L. Lonzanida (San Antonio), Punong Bayan Elmer R. Soria (San Marcelino), LGOO VI Nedricks P. Canlas, LGOO VI Threeks F. Fontamillas at LGOO VI Sheryl Ann Q. Dungca.
Read more: SGLGIF Projects ng tatlong bayan sa Zambales, pinasilayan sa publiko
Site Validation ng SBDP 2024 Project isinagawa sa Brgy. Batiawan, Subic
- Details
- Written by DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 438

Ang DILG Zambales Provincial Monitoring Team katuwang ang Municipal Engineering Office at lokal na opisyal ng Barangay Batiawan ay nagsagawa ng site validation bilang paghahanda sa implementasyon ng ipapanukalang proyekto na “Provision of Renewable Energy-Based Electrification in Barangay Batiawan” sa ilalim ng programang Support to Barangay Development Program (SBDP) 2024 nitong ika- 30 ng Abril taong kasalukuyan. Layunin ng nasabing proyekto na magbigay liwanag sa kalsada at pawiin ang takot ng mga residente dulot ng madilim na daanan. Higit sa pagbibigay liwanag, ito rin ay isang malaking hakbang upang palakasin at pagtibayin ang aspeto ng seguridad at kapayapaan sa kanilang komunidad.
Read more: Site Validation ng SBDP 2024 Project isinagawa sa Brgy. Batiawan, Subic