MUST WATCH

              ZAMBALESAVP  

                 AN AUDIO VIDEO PRESENTATION    

Labintatlong lokal na pamahalaan ng Zambales ang sumailalim sa taunang Anti-Drug Abuse Council (ADAC) at Peace and Order Council (POC)provincial table assessment ngayong araw, ika-17 ng Abril, 2024 na idinaos sa DILG Zambales Provincial Office, Iba.

Ang nasabing pagsusuri ay ayon sa mga alituntuning nakasaad sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Memorandum Sirkular bilang 2024-028 at 2024-025, na naglalayong suriin ang pagiging epektibo ng mga Municipal ADACs at POCs sa paghadlang sa paglaganap ng ilegal na droga at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupang bayan noong 2023.

Pinangunahan ni Direktor Martin Porres B. Moral ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) ang nasabing pagsusuri kasama sina PMAJ Richard E. Asis ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (Zambales Police Provincial Office), IA III Marlou M. Ordoña ng Ahensiya ng Pilipinas sa Pagpapatupad ng Batas Laban sa Bawal na Gamot (Philippine Drug Enforcement Agency), SFO2 Mirardo R. Sebastian ng Kawanihan ng Pagtatanggol sa Sunog (Bureau of Fire Protection), JCINSP Neil C. Mondano ngKawanihan ng Pamamahala sa Piitan at Penolohiya (Bureau of Jail Management and Penology)at kinatawan ng Civil Society Organizations (CSOs) na si Gng. John Del Molina ng Citizens Crime Watch Zambales Association.

Nagpasalamat si Direktor Moral sa bawat miyembro ng Assessment Committee sa patuloy na suporta sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lalawigan. "Sa pamamagitan ng iba’t-ibang awdit katulad ng POC at ADAC, nakikita natin ang performance ng ating mga municipal POCs and ADACs at mula dito ay maaari tayong magbigay ng assistance sa mga LGUs upang mas maging epektibo sila sa kanilang mga tungkulin. Ito’y ating pagtulung-tulungan," saad ni Direktor Moral.

Ibinahagi naman ni LGOO V Paulin Johanne L. Reyes, Monitoring and Evaluation Section (MES) Chief, ang POC and ADAC Indicators at ang mga naging resulta ng ADAC at POC pre-assessment ng bawat bayan base sa kanilang mga naisumiteng dokumento sa ADAC-Functionality Monitoring System (ADAC-FMS) at POC Audit System. Ito ay pinatunayan at sinang-ayunan din ng mga miyembro ng assessment committee.

Batay sa mga resulta, ang mga bayan ng Botolan, Cabangan, Candelaria, Iba, Masinloc, San Felipe, San Marcelino at Sta. Cruz ay nakakuha ng pinakamataas na antas ng pangganap sa ADAC, habang ang mga bayan naman ng Botolan, Iba, Masinloc, San Antonio, San Marcelino at Sta. Cruz ay nakakuha ng pinakamataas na antas ng pangganap sa POC.

Ang ADAC o Anti-Drug Abuse Council, ay isang lokal na konseho na nagtataguyod ng mga programa at patakaran upang labanan at pigilan ang problema ng pag-abuso sa droga sa komunidad. Ito ay binubuo ng mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor tulad ng pamahalaan, law enforcement, edukasyon, kalusugan, at sektor ng sibil.

Samantala, ang POC naman ay isang konseho na naghahatid ng mga programa at patakaran para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga lokal na pamahalaan na naglalayong magtulak ng mga hakbang upang mapanatili ang seguridad at kaayusan sa pamamagitan ng koordinasyon ng iba't ibang sangay ng pamahalaan at pribadong sektor.

Isinulat ni:  LGOO V Paulin Johanne L. Reyes

 

MARTIN PORRES B. MORAL, CESO V
Provincial Director

Log-in Form

Follow Us On

 

 DILG ZAMBALES FB ACCOUNT