Idinaos ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan sa lalawigan ng Zambales ang Panlalawigang Pagpupulong para sa buwan ng Abril na dinaluhan ni Panrehiyong Patnugot Atty. Anthony C. Nuyda, CESO III. Layunin ng aktibidad na ito ang ipakita ang kasalukuyang estado ng mga ulat, mapabuti ang pagpapatupad ng mga programa, proyekto, at aktibidad ng kagawaran upang makapagbigay ng mahusay na serbisyo publiko.
Pinangunahan ni LGOO V Paulin Johanne L. Reyes, Monitoring and Evaluation Section (MES) Chief, ang pagbabahagi ng mga ulat kaugnay ng mga resulta ng mga audit sa ADAC at POC. Sinundan ito ni LGOO II Aljon S. Bautista na nagbahagi ng mga resulta ng CFLGA audit at mga update sa 2024 RCSP Targets. Nagbigay ng mahalagang impormasyon din si ADA IV Lloyd Janver S. Apan hinggil sa mga bahagi ng Bagong Pilipinas Program tulad ng Barangay Road Clearing, Kalinisan Day, at HAPAG.
Ibinahagi naman ni LGOO V Jacqueline A. Calimlim, Capability Development Section (CDS) Chief, ang mga ulat patungkol sa GAD Plan and Budget, estado ng pagtatasa ng mga LCAT-VAWC, at ang resulta ng LTIA audit. Tinalakay naman ni PEO I Bryan B. Allejos ang estado ng implementasyon ng mga Locally Funded Projects, at si Engineer II Nicole Shane L. Pampanga naman ang nagbigay ng mga update hinggil sa Subaybayan, RSSA, at RLIP.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni RD Nuyda ang lahat na patuloy na pagbutihin at panatilihin ang sigasig sa pagpapatupad ng programa at proyekto upang mas lalo pang mapabuti ang serbisyong ibinibigay ng Kagawaran sa publiko. Pinuri rin niya ang dedikasyon at pagsisikap ng bawat isa sa pagtutulungan upang makamit ang mga layuning ito.
Matapos ang mga mahahalagang bahagi ng kapulungan, nagkaroon din ng open forum kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na magbahagi ng kanilang mga pananaw at ideya. Naging aktibo ang diskusyon at naging mapanuri ang mga kalahok sa pagtukoy ng mga potensyal na solusyon sa mga hamon at suliranin na kanilang hinaharap sa kanilang mga nasasakupang lugar.
Sa huli, nagtapos ang conference sa mensahe ni Panlalawigang Patnugot Martin Porres B. Moral, na hinikayat ang bawat isa na magtutulungan upang maisakatuparan ang mga layunin at adhikain ng kagawaran para sa ikauunlad ng mga komunidad at mamamayan.
Ang Provincial Team Conference ay nagsilbing mahalagang pagkakataon para sa mga kawani na magkaisa, magbahagi ng kaalaman, at magtulungan upang mas mapabuti ang kanilang pagganap sa kani-kanilang tungkulin.
Panulat ni: Engr. II Nicole Shane L. Pampanga