Sa bisa ng Presidential Proclamation No. 439, ang buwan ng Mayo ay itinalaga bilang buwan ng paggunita sa mga pambansang pamana ng Pilipinas. Layunin nito ay ang patuloy na pagsulong, pagpapaunlad, at pagtanyag ng pamanang pangkultura at pangkasaysayan sa pamamagitan ng pananaliksik, pagpapakalat, konserbasyon, pamamahala ng pook at eraldika.
“Championing Heritage: Capacity Building to Transform Communities” ang opisyal na tema ng Pambansang buwan ng Pamana para sa taong 2024 bilang pagpupugay sa mga tagapanday at tagapagtaguyod ng tulay ng oportunidad na nagdurugtong sa mga katutubo at komunidad upang maipamalas ang kanilang katalinuhan at pagkamalikhain sa mainstream media.
Kaisa ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal sa patuloy na pagpapanday ng pambansang kamalayan ng mga Pilipino sa mayamang kultura at kasaysayan ng Pilipinas.
#NHM2024
#NationalHeritageMonth
#NHMChampioningHeritage