Ang DILG Zambales Provincial Monitoring Team katuwang ang Municipal Engineering Office at lokal na opisyal ng Barangay Batiawan ay nagsagawa ng site validation bilang paghahanda sa implementasyon ng ipapanukalang proyekto na “Provision of Renewable Energy-Based Electrification in Barangay Batiawan” sa ilalim ng programang Support to Barangay Development Program (SBDP) 2024 nitong ika- 30 ng Abril taong kasalukuyan. Layunin ng nasabing proyekto na magbigay liwanag sa kalsada at pawiin ang takot ng mga residente dulot ng madilim na daanan. Higit sa pagbibigay liwanag, ito rin ay isang malaking hakbang upang palakasin at pagtibayin ang aspeto ng seguridad at kapayapaan sa kanilang komunidad.
Layunin naman ng inspekyon na ito ang (1) pakikipag-ugnayan sa barangay upang tukuyin at markahan ang lugar na pagtatayuan ng solar streetlights at upang makasunod sa tamang pamantayan ang disenyo ng proyekto; (2) pagbibigay ng mga suhestiyon para sa maayos at mabilis na implementasyon, at (3) paglilinaw sa mga dokumento na kailangan ayusin at ipasa.
Sa pamamagitan ng koordinasyon at pagtutulungan ng mga sektor ng pamahalaan at barangay, inaasahan na magiging epektibo ang pagpapatupad ng proyekto na pagtatayo ng renewable energy-based streetlights sa Barangay Batiawan.
Sa nasabing aktibidad, aktibong dumalo sina Engr. Mariane Del Castillo, ang Municipal Engineer ng Subic; ang Punong Barangay ng Batiawan na si Jose L. Lawag; si LGOO VI Stephany Panaligan; si Engr. III Jelly Mae Ebalobo; at si PEO I Bryan Allejos.
Panulat ni: PEO I Bryan Allejos, LPT