Lalawigan ng Zambales, sumailalim sa PCAT-VAWC Table Validation
- Details
- Written by DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 203
Ang probinsya ng Zambales ay matagumpay na nalagpasan ang PCAT-VAWC Table Validation na ginanap nitong ika-4 ng Hunyo taong 2024 na ginanap sa Balin Sambali, Iba, Zambales. Kabilang sa mga umupo bilang validators ay sina LGOO V Ma. Bernadette M. Castro, LGOO III Pamela Herrera, Jewel Me Canare-De Leon, Head of Operations, Action, Inc. at si Sherryl Balatbat, PDO3-RIACAT VAWC Secretariat, DSWD.
Read more: Lalawigan ng Zambales, sumailalim sa PCAT-VAWC Table Validation
Site Validation ng panukalang SBDP 2024 Project sa Brgy. Sta. Rita, Masinloc, matagumpay na naisagawa
- Details
- Written by DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 226
Bilang paghahanda sa itatayong Farm-to-Market Road sa Brgy. Sta. Rita, Masinloc, Zambales, ang Provincial Monitoring Team (PMT) ng DILG Zambales ay tumungo sa nasabing barangay upang inspeksiyunin ang lugar na pagtatayuan ng proyekto, nitong ika-29 ng Mayo taong kasalukuyan. Layunin ng nasabing aktibidad na pag-aralan ang kaangkupan ng proyekto sa pangangailangan ng Barangay, suriin ang iminungkahing lokasyon at siguraduhin na matutugunan nito ang kinakailangan at itinakdang pamantayan ng mga nauugnay na ahensya.
Pagpupulong para sa sanib pwersang pag-aksyon ng iba’t ibang ahensya sa lalawigan ng Zambales para sa kapayapaan at kaayusan, matagumpay na naidaos
- Details
- Written by DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 180
Ang Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) na pinamumunuan ni Gobernador Hermogenes E. Ebdane, Jr. ay nagpulong noong ika-23 ng Mayo taong 2024 sa Balin Sambali, Iba, Zambales upang saklawin at tugunan ang mga isyu tungkol sa kapayapaan at kaayusan, paghahanda sa sakuna, at maging sa mga isyung sosyo-ekonomiko na nakakaapekto sa lalawigan.