MUST WATCH

              ZAMBALESAVP  

                 AN AUDIO VIDEO PRESENTATION    

Bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na pulong pangkapayapaan at kaayusan ng probinsya, ang pulong sa pagitan ng mga ahensiya ay ikinasa nitong ika-16 ng Agosto taong kasalukuyan na ginanap at pinangasiwaan ng Panlalawigang Tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal. 

Layunin ng isinagawang pagpupulong ay talakayin at balangkasin ang mga magiging tungkulin at gampanin ng bawat ahensya sa darating na pulong pangkapayapaan at pangkaayusan. Nagsilbi rin ang pagpupulong bilang daan upang mapag usapan ang estado ng Security Clearance ng mga kapisanan ng lipunang pambayan (CSOs) ng lalawigan. Binigyang diin din sa pagtitipon ang Accomplishment Report ng probinsya para sa unang semestre ng taon sa ilalim ng Peace and Order and Public Safety Plan CY 2023-2025. 

 

Ang nasabing pagtitipon ay aktibong dinaluhan ng mga opisyal at kawani ng mga katuwang na ahensya gaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Zambales Provincial Police Office (ZPPO), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Fire Protection (BFP), Provincial Disaster Risk and Reduction Management Office (PDRRMO), Provincial Planning and Development Office (PPDO), Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), at mga kinatawan mula sa Civil Society Organizations (CSOs).

 

MARTIN PORRES B. MORAL, CESO V
Provincial Director

Log-in Form

Follow Us On

 

 DILG ZAMBALES FB ACCOUNT