MUST WATCH

              ZAMBALESAVP  

                 AN AUDIO VIDEO PRESENTATION    

Ang Provincial Performance Assessment Team (PPAT) ng lalawigan ng Zambales ay nagsagawa ng kanilang table validation ng Seal of Good Local Governance Barangay (SGLGB) ngayong araw, ika-27 ng Agosto, 2024 sa DILG Provincial Office.

Tinalakay ng PPAT ang resulta ng pagtatasa patungkol sa initial potential SGLGB passers at mga rekomendasyon at posibleng istratehiya para sa mga susunod na awdit upang matulungan ang mga barangay sa pangangalap ng mga datos at implementasyon ng mga programa, proyekto at mga aktibidad na ayon sa kanilang mga tungkulin.

Ang mga miyembro ng PPAT na dumalo ay sina Engr. Edwin E. Ebdane at Bb. Maria Kristeena Verzosa ng Provincial Planning and Development Office, kinatawan ni Kgg. Nestor E. Pacheco, Pangulo ng Liga ng mga Barangay (LNB) Zambales Chapter, Kgg. Carl Eric B. Rico, Pangulo ng Pederasyon ng Sangguniang Kabataan kasama sina G. Enrico D. Cañones at Bb. Pearl Sophia D. Escobal at Gng. Myrna Torres bilang kinatawan ng Civil Society Organization. Pinangasiwaan naman ni LGOO VII Melissa D. Nipal bilang Opisyal-na-Nangunguna, kasama sina LGOO VI Rose Ann D. Agostosa, LGOO V Paulin Johanne L. Reyes, LGOO V Aljon S. Bautista at LGOO II Carla G. Maranoc ang nasabing aktibidad.

Ayun sa resulta ng pagtatasa, may mga potensyal na papasa na mga barangay mula sa mga bayan ng Iba at San Antonio. Matapos ang masinsinang pagtatasa, inaprubahan at nilagdaan ng PPAT ang Performance Consolidated Performance Assessment Form (PCPAF).

Ang SGLGB ay isang performance assessment at recognition system na idinisenyo upang makilala ang mga barangay na may natatanging pagganap sa iba't ibang lugar ng pamamahala. Nilalayon din nitong hikayatin ang mga barangay na patuloy na umunlad sa paghahatid ng mahusay, pantay at de-kalidad na serbisyo publiko. Binibigyang diin nito ang integridad at mahusay na pagganap bilang mga haligi ng makabuluhang lokal na awtonomiya at pag-unlad.

Panulat ni: LGOO II Carla G. Maranoc

 

MARTIN PORRES B. MORAL, CESO V
Provincial Director

Log-in Form

Follow Us On

 

 DILG ZAMBALES FB ACCOUNT