DILG ZAMBALES BOOSTS LGUS’ LEAD IN ENHANCING CAPACITY, SPEARHEADS ORIENTATION-WORKSHOP ON CAPDEV AGENDA FORMULATION
- Details
- Written by DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 662
The Department of the Interior and Local Government (DILG) Zambales headed by Provincial Director Armi V. Bactad,facilitated a 3-day Orientation-Workshop on the formulation of Capacity Development Agenda (CapDev)for the Local Government Unit (LGU) Capacity Development Committees from the 13 municipalities and provincial government of Zambales on October 6-8, 2021 via Zoom meetings platform— in anticipation for the implementation of the full devolution next year.
In attendance were the key members of the LGU Capacity Development Committee composed of the local chief executives (LCEs), vice mayors, local administrators, department heads and liga ng mga barangay (LnB) presidents of the 13 LGUs of Zambales including the Provincial Government of Zambales.
The activity aims to fully prepare the LGUs as they transition to full devolution through the initial step in looking into their capacities in performing the devolved duties and functions. The formulation of the CapDev Agenda plays a critical role in helping local officials map out their capacity development interventions to achieve desired results.
LIGTAS AT MAPAYAPANG PAMAYANAN NG MGA RCSP TARGET BARANGAY, PINAGTIBAY SA ISANG GAWAIN NG DILG AT BOTOLAN TASK FORCE ELCAC
- Details
- Written by DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 1009
Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) ng Lalawigan ng Zambales sa pamumuno ng Direktor Armi V. Bactad, CESO V — sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-tulungan sa Lokal na Pamahalaan ng Botolan, sa pamamagitan ng Task Force End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) nito — ay matagumpay na nagsagawa ng aktibidad nitong ika-30 ng Setyembre taong kasalukuyan na pinamagatang ‘Capacitating Barangay Based Institutions cum Strengthening Community Security Mechanisms and Structures and Information Drive for Peace, Security and Development,’ na naglalayong mapaigting ang kasanayan at kakayahan ng mga pamahalaang barangay sa paglaban at pagsugpo sa komunismo at terorismo at sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang mga sa komunidad.
Ang nasabing gawain ay dinaluhan ng mga opisyal ng Barangay Cabatuan, Maguisguis, Poonbato, Cabatuan at Villar ng Bayan ng Botolan at Barangay Guisguis ng Bayan ng Sta. Cruz— na pawang mga kabilang sa mga benepisyaryo ng Retooled Community Support Program (RCSP) at Support to Barangay Development Program (SBDP). Ang gawain ay bahagi ng mga hakbanging nakapaloob sa Executive Order No. 70 o mas kilala bilang Whole of Nation Approach.
Sa kanyang pambungad na mensahe, taos-pusong pinasalamatan ni Mayor Doris E. Maniquiz ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa napakagandang programang pinagkaloob ng pamahalaan sa kanilang bayan. Ayon kay Mayor Maniquiz, napakapalad ng limang barangay dahil sila ay napiling benepisyaryo ng mga programang ito at kanyang hiniling na sana’y ang pondong maipagkakaloob ng gobyerno ay magamit ng tama at ang mga proyektong maipapatayo at maiimplementa ay mapangalagaan at maging kapakipakinabang sa lahat upang ang mga problema ng insurhensiya ay kung hindi man tuluyang mawala ay mabawasan.
DILG SAN NARCISO, NAGBIGAY-GABAY SA DTC NG SAN NARCISO UPANG MAKALIKHA NG PLANO TUNGO SA GANAP NA DEBOLUSYON
- Details
- Written by DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 617
Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) ng San Narciso— katuwang ang tanggapan ng Punong Bayan ng San Narciso — ay nag-sagawa ng isang gawaing naglalayong makapagbigay ng tulong teknikal sa Devolution Transition Committee (DTC) noong ika-29 ng Setyembre taong 2021 sa pamamagitan ng Zoom Cloud Meetings application.
Ang gawain ay alinsunod sa Supreme Court ruling ukol sa Mandanas-Garcia petitions, Executive Order No. 138 series of 2021, at ng Joint Memorandum Circular No. 1 s. ng Kagawaran ng Badyet at Pamamahala (DBM) at DILG na pawang nag-uudyok ng ganap na debolusyon ng mga tungkulin, serbisyo at pasilidad mula sa mga ahensya ng gobyerno tungo sa mga pamahalaang lokal.
Sa nasabing gawain, isa-isang ipinakita ng mga miyembro ng San Narciso DTC at sinuri ni Municipal Local Government Operations Officer Dan Esteban ang mga bahagi ng kanilang Devolution Transition Plan (DTP), mula sa imbentaryo ng mga tungkuling ganap na ipapasa sa lokal na pamahalaan, pagpapanahon sa tungkuling ganap na aakuin sa loob ng taon 2022-2024, mga inisyatibang magpapatibay sa kapasidad at mga mungkahing rebisyon sa istraktura ng organisasyon. Bukod dito, tinalakay rin ng DTC at ng DILG ang pagsusuri sa pagtataya ng local revenue na siyang magiging kasangkapan sa pagpaplano ng lokal na pamahalaan na mapangasiwaan ang mga pondo at mabigyang solusyon ang fiscal gap mula sa National Tax Allocation (NTA)na dulot ng pandemic .
Nakatakdang magpasa ang lahat ng bayan ng kani-kanilang DTP pagkatapos ng siyamnapung (90) araw matapos maibaba ang DILG-DBM JMC No 1 s. 2021. Patuloy ang pagtatasa ng San Narciso DTC sa kanilang plano upang patuloy na matamasa ng kanilang nasasakupan ang mga serbisyong nakatakdang i-atang sa balikat ng mga pamahalaang lokal.
Isinulat ni: LGOO VI Dan A. Esteban