Paglalatag ng Seal of Good Local Governance for the Barangays, inilunsad sa isang panlalawigang oryentasyon ng DILG Zambales
- Details
- Written by DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 733
Pinangunahan ng panlalawigang tanggapan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) ng lalawigan ng Zambales kasama ang lahat ng Pinunong Tagapagpakilos ng Pamahalaang Lokal (MLGOOs) at mga provincial focal persons ang panlalawigang oryentasyon patungkol sa Seal of Good Local Governance for Barangays (SGLGB) ngayong ika-13 ng Setyembre 2021 sa pamamagitan ng Zoom Cloud Meetings application.
Hinikayat ni Panlalawigang Patnugot Armi V. Bactad ang mga Punong Barangay, kasama ang mga Sangguniang Barangay na itaguyod ang mahusay na pamamahala sa kani-kanilang nasasakupan bilang mga frontliners at unang mukha ng pamahalaan sa kani-kanilang mga komunidad, higit pa sa pagkilala na maaaring ibigay ng SGLGB sa kanilang panunungkulan.
“Mahalaga ang gampanin ng SGLGB. Ito ay isang mekanismo para tumaas ang antas ng kakayahan ng barangay government," paliwanag ni Dir. Bactad.
BARANGAY DTCS NG CANDELARIA, MASINLOC, SAN FELIPE, SAN MARCELINO, STA. CRUZ AT SUBIC, SUMAILALIM SA ORYENTASYON SA PAGBALANGKAS NG DTP
- Details
- Written by DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 761
MGA BARANGAY NG CASTILLEJOS NAGSIMULA NANG BALANGKASIN ANG BARANGAY DTP
- Details
- Written by DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 850
DILG ZAMBALES, ZPPO, LOCAL CHIEF EXECUTIVES AT LOCAL HEALTH OFFICERS, BINALANGKAS ANG MGA STRATEHIYA NG PROBINSYA KONTRA COVID-19
- Details
- Written by DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 653
Pinulong ni Governor Hermogenes E. Ebdane, Jr. ang mga punong bayan ng mga munisipalidad ng Zambales kabilang na din ang kani-kanilang mga Municipal Health Officers (MHOs) upang pag-usapan at balangkasin ang mga stratehiya ng buong lalawigan upang labanan ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa probinsya, ngayong araw, ika-27 ng Agosto, 2021. Ito ay sa kabila na din ng pagtatala ng unang kaso ng Delta variant sa lalawigan, katulad ng naianunsyo ng Gobernador kagabi, sa pamamagitan ng Zambales for the People Facebook Page.
Ang nasabing pagpupulong ay naglalayong matalakay ang mga susunod na hakbangin sa pagpigil ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa probinsiya lalo na sa mga munisipyong nakapagtala ng pinakamatataas na bilang ng kaso sa mga nagdaang araw.
Sa pangunguna nina Direktor Armi V. Bactad, CESO V, Panlalawigang Patnugot ng DILG Zambales, PCOL Romano V. Cardiño, Panlalawigang Patnugot ng Zambales Police Provincial Office at sa tulong ni Dr. Noel C. Bueno, Provincial Health Officer (PHO), ang pagpupulong ay matagumpay na naidaos at nagsilbing daan upang talakayin ang mga kasalukuyang isyu ng bawat bayan ng Zambales patungkol sa paglaganap ng COVID-19.
DILG ZAMBALES, KATUWANG ANG NGAS, PROVINCIAL DTC SA PAGBIBIGAY NG TULONG SA MGA LGUS SA PAGBALANGKAS NG DTP
- Details
- Written by DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 719
Pinangunahan ng DILG Zambales sa pamumuno ni Direktor Armi V. Bactad, ang coordination meeting ng DILG at iba pang National Government Agencies (NGAs) at kinatawan ng Provincial Devolution Transition Committee (DTC) upang talakayin ang mga paghahanda at mga stratehiya para sa maayos na pagsasagawa ng Provincial Orientation on the Preparation of Local Government Unit Devolution Transition Plans (LGU DTPs). Ito ay ginanapngayong araw, Agosto 20, 2021 sa pamamagitan ng zoom meeting.
Ang nasabing pagpupulong ay naglalayong matalakay ang mga tungkulin at responsibilidad ng bawat ahensya patungo sa maayos at sistematikong pag-gabay sa mga lokal na pamahalaan sa pagsasaayos ng kani-kanilang mga DTPs.
Ito ay dinaluhan ng mga mga kinatawan ng mga sumusunod na ahensya: Department of Agriculture (DA), Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH), Department of Justice (DOJ), Department of Labor and Employment (DOLE),Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI), National Irrigation Administration (NIA), Department of Information and Communication Technology (DICT), Civil Service Commission (CSC) and Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO). Kasama rin ang Provincial Planning and Development Coordinator (PPDC) na kinatawan naman mula sa Provincial DTC.
PAGPAPLANO TUNGO SA FULL DEVOLUTION, ISINASAGAWA NA NG CABANGAN
- Details
- Written by DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 820
Pinangunahan ng Devolution Transition Committee (DTC) ng bayan ng Cabangan ang pagpupulong noong Agosto 24, 2021 upang pag-usapan ang mga kinakailangan sa pagbuo ng Devolution Transition Plan (DTP) bilang paghahanda sa full devolution na magsisimula sa susunod na taon.
Tinalakay ni LGOO VI Nedricks P. Canlas, opisyal na tagapagpakilos ng lokal na pamahalaan, ang mga nilalaman ng Devolution Transition Plan at ibinahagi ang listahan ng mga devolved functions, services, and facilities batay sa Local Government Code of 1991 at iba pang umiiral na batas.
Napag-usapan din sa pagpupulong ang mga iba’t-ibang bagay na kailangang isaalang-alang sa prayoritisasyon ng mga devolved functions and services na isasagawa ng lokal na pamahalaan.
Read more: PAGPAPLANO TUNGO SA FULL DEVOLUTION, ISINASAGAWA NA NG CABANGAN
MARTIN PORRES B. MORAL, CESO V
Provincial Director