Pinagsamang pulong ng mga konseho para sa ikatlong kwarter, umarangkada; Iminungkahing Resolusyon blg 1 at 2, s. 2024, aprobado na
- Details
- Written by DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 142
Nitong ika-29 ng Agosto taong 2024, muling nagsanib-puwersa sa pagtalakay ng kasalukuyang kalagayan ng kaayusan at seguridad ng lalawigan ang mga kasapi ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC), Provincial Anti Drug Abuse Council (PADAC) at Provincial Disaster Risk and Reduction Management Council (PDRRMC) sa isinagawang pulong ng mga konseho para sa ikatlong kwarter ng taon na ginanap sa Balin, Sambali, Iba, Zambales.