ANIM NA BENEPISYARYONG BARANGAY NG ZAMBALES PARA SA 2022 SBDP, SUMAILALIM SA ISANG PANLALAWIGANG ORYENTASYON
- Details
- Written by DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 708
Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) ng Zambales, sa pamumuno ni Direktor Armi V. Bactad, CESO V ay nagsagawa ng isang panlalawigang oryentasyon upang matulungan ang anim (6) na barangay ng Zambales — na itinalagang mga benepisyaryo ng Support to Barangay Development Program (SBDP) para sa taong 2022 — sa paghahanda ng kani-kanilang listahan ng mga prayoridad na proyekto noong Setyembre 20, 2021, 2:00 NH, gamit ang zoom meeting application.
Ang nasabing oryentasyon ay naglalayong matulungan ang mga benepisyaryong barangay— Cabatuan, Maguisguis, Nacolcol, Poonbato, at Villar ng Bayan ng Botolan at Barangay Guisguis ng Bayan ng Sta. Cruz — sa pagsasaayos ng kanilang listahan ng mga prayoridad na proyekto na siyang tutugon sa isyu sa kanilang mga nasasakupan — na pawang nakapaloob sa kani-kanilang mga Barangay Development Program.
Ang gawain ay dinaluhan ng iilang kawani ng lokal na pamahalaan ng mga Bayan ng Botolan at Sta. Cruz, mga Punong Barangay ng mga nasabing barangay, mga kawani ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal mula sa pangrehiyong at panglalawigang tanggapan, at mga Municipal Local Government Operations Officers (MLGOOs) ng nasabing bayan.