Ang Gawad KALASAG (KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan) Seal and Special Awards for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance para sa taong 2024 ay isinagawa noong Nobyembre 28, 2024 sa Laus Group Event Center, City of San Fernando, Pampanga.
Kabilang sa mga binigyang pugay ay ang mga bayan ng San Marcelino, Subic at Candelaria bilang “Beyond Compliant Local Government Unit (LGU)” at “Fully Compliant” naman ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales, mga bayan ng Botolan, Cabangan, Castillejos, Iba, Masinloc, Palauig at San Antonio.
Ang prestihiyosong parangal na ito ay ginagawad taun-taon bilang pagkilala sa mga natatanging indibidwal, organisasyon, at lokal na pamahalaan para sa kanilang pagsisikap na mapanatili ang kahandaan sa panganib at kalamidad.
Pinaunlakan ang seremonya ng mga tagapagtaguyod ng DRRM kabilang sina ASec. Cesar M. Idio, CESO V, Officer-in-Charge ng Office of Civil Defense at Deputy Administrator for Operations at Dir. Amador V. Corpus, Regional Director ng Office of Civil Defense. Dumalo rin ang mga miyembro ng Regional Validation Committee, Regional Selection Committee ng Gawad KALASAG at iba pang mga kinatawan mula sa mga bayan at lalawigan na binigyan ng parangal sa Ikatlong Rehiyon.
Ang tagumpay ng Lalawigan ng Zambales ay patunay ng patuloy na dedikasyon sa kaligtasan at kahandaan para sa kapakanan ng ating mga mamamayan.