Ang DILG Zambales ay nagsagawa ng kanilang Mid-Year Review and Evaluation of Programs, Projects and Activities (PPAs) cum Team Building Activity noong Hunyo 20-21, 2024 sa Istana Baylon, Beach Resort, Brgy. Uacon, Candelaria, Zambales.
Ang pangunahing layunin ng aktibidad ay i-update at suriin ang pagganap at progreso ng pangkat sa pagpapatupad ng iba't ibang PPAs para sa unang semestre ng 2024, nagbigay din ito ng daan para sa pagsukat sa pangako ng bawat miyembro na higit pang mapahusay ang paghahatid ng serbisyo publiko.
Tinalakay sa nasabing assessment ang mga status ng reports na nakailalim sa Monitoring and Evaluation Section, Capability and Development Section, Finance and Administrative Section at Locally-Funded Projects. Maging ang mga darating na aktibidad at programa sa DILG Zambales.
Pagkatapos ng mga presentasyon, ang buong pangkat DILG Zambales ay nagsagawa ng mga palaro upang mas mapaigting ang pakikipagkaibigan, pakikisama, at pagtutulungan ng koponan sa panahon ng pagpaplano at pagsasagawa ng mga aktibidad.