MUST WATCH

              ZAMBALESAVP  

                 AN AUDIO VIDEO PRESENTATION    

Ang Child-Friendly Local Governance Audit Provincial Inter-Agency Monitoring Task Force (CFLGA-PIMTF) ng lalawigan ng Zambales ay nagsagawa ng kanilang huling table validation ngayong araw, Hunyo 7, 2024 sa DILG Provincial Office. Ito ay naglalayong kumpirmahin ng PIMTF ang mga iskor ng  mga Local Government Units (LGUs) at isumite ang mga resulta sa pamamagitan ng Seal of Child-Friendly Local Governance Knowledge Monitoring System (SCFLG-KMS).

Tinalakay ng task force ang mga rekomendasyon at posibleng estratehiya para sa mga susunod na awdit upang matulungan ang mga lokal na pamahalaan sa pangangalap ng mga datos at implementasyon ng mga programa, proyekto at mga aktibidad na naglalayong pangalagaan ang mga karapatan ng mga batang pilipino. 

 

Ang mga miyembro ng PIMTF na dumalo ay sina Ms. Jhoanna Marie M. Barnadia ng Provincial Health Office (PHO), PDO II Luzviminda U. Mago at PDO I Peter Rick C. Navora ng Provincial Planning and Development Office (PPDO), SWO II Carmela D. Pacis mula sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at PDO I John Michael G. Edejer ng Department of Education (DepEd). Pinangasiwaan naman ito nina LGOO V Aljon S. Bautista at LGOO II Carla G. Maranoc ng DILG Zambales.

 

Tinatasa ng CFLGA ang pagganap ng mga LGU sa pagpapatupad ng mga patakaran, programa, proyekto, at serbisyo para sa mga bata. Ang Seal of Child-Friendly Local Government (SCFLG) ay ipinagkakaloob sa mga LGU na matagumpay na maipapasa ang nasabing functionality audit

 

Panulat Ni: LGOO II Carla G. Maranoc

 

MARTIN PORRES B. MORAL, CESO V
Provincial Director

Log-in Form

Follow Us On

 

 DILG ZAMBALES FB ACCOUNT