Katuwang ang mga kaanib na tanggapan, pinangunahan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng lalawigan ng Zambales ang pagtatasa sa antas ng kaganapan ng Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) ng labintatlong (13) bayan ng probinsya sa katatapos na Provincial Table Validation na ginanap kahapon, ika-6 ng Hunyo taong 2024.
Ang LCAT-VAWC ay isang lupon na kasangga ng pamahalaan sa pagprotekta, pagsagip at pangangalaga sa mga biktima ng karahasan, kalupitan, pananamantala at anumang anyo ng Trafficking In Persons (TIP).
Taunang isinasagawa ang pagsusuri ng komite upang matukoy ang antas ng kaganapan nito na siyang magsisilbing basehan sa pagbabalangkas at pagsasaayos ng mga umiiral na patakaran, tuntunin, mga panukala at programa.
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing gawain ay sina Carmela D. Pacis, RSW, Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO); Maria Victoria Bria S. Figueres, Psychology II, Provincial Health Office (PHO); James B. Bausa, Administrative Officer III, DOJ-Zambales; PCPT Kathryn Joy G. Miranda, WCPD Officer; PEMS Mary Ann S. Mirando, WCPD PNCO; Engr. III Jelly Mae T Ebalobo; Engr. II Nicole Shane L. Pampanga; at Engr. Princess Ivy B. Coloma ng DILG Zambales