TAMPOK NA PROYEKTO - Proyektong Lokal ng Bayan ng Mariveles sa Ilalim ng Programang FY 2020 Assistance to Municipalities
- Details
- Written by DILG Region III
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 1530

"Bigyan mo ng isda ang isang tao at pinakain mo siya sa loob ng isang araw. Ngunit kung tuturuan mo siyang mangisda, kakain siya habang siya ay nabubuhay." Pinatutunayan ng nabanggit na salawikain na ang paglinang sa kakayahan ng isang manggagawa ay mahalagang sangkap tungo sa ikabubuti ng kaniyang kabuhayan. Sa pamamagitan ng mga programang pangkasanayan, napauunlad ang abilidad ng isang tao na nagnanais sumabak sa isang trabaho o negosyo.