Para sa buwan ng Agosto, idinaos ng DILG Bataan ang Panlalawigang Pagpupulong o ang kanilang Provincial Team Conference (PTC) noong Agosto 27, 2021 sa Executive Hall ng munisipyo ng Dinalupihan.
Sa mensahe ni Dir. Myra Moral-Soriano, Punong Patnugot ng DILG Bataan, pinasalamatan niya ang pangkat partikular na ang mga Pinunong Tagapagpakilos ng Pamalahaang Lokal (C/MLGOOs) sa pag-ganap ng kanilang mga tungkulin lalo na sa pagbibigay ng patnubay sa pamamahagi ng tulong pinansyal ('Ayuda II') sa mga lokal na pamahalaan ng lalawigan.
Pinuri din niya ang lahat ng kawani ng DILG Bataan sa mahusay na pagtupad ng kani-kanilang mga programa.
Samantala, isa sa mga pangunahing paksa ng conference ang pagbuo at pagkumpleto ng Public Service Continuity Plan (PSCP) ng DILG Bataan sa pangunguna ni LGOO VI Bernardino Santiago. Dito ay hiningan ng suhestiyon at komento ang iba pang mga kawani patungkol sa mga maaaring gawin ng isang DILG official sa mga pagkakataong may disruption o mga pangyayaring nakakahadlang sa normal na pag-ganap sa tungkulin at pagbibigay ng serbisyo publiko.
Sinundan ito ng diskusyon ni LGOO V Johnny Mandocdoc patungkol sa nalalapit na panlalawigang oryentasyon ng Devolution Transition Plan (DTP) upang makapagbigay ng patnubay sa kanya-kanyang magiging tungkulin sa aktibidad.