×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 23522

Bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan, pinangunahan ng DILG Pampanga ang isang pagpupulong noong Setyembre 3, 2021, kasama ang mga opisyal ng barangay, bayan at syudad sa Pampanga para sa pagpapaigting ng aksyon sa pagsugpo sa COVID-19.

 Binigyang-diin sa pagpupulong ang usapin tungkol sa pagpapatupad ng localized zoning containment or granular lockdown. Tampok din sa aktibidad na ito ang talakayan ukol sa kasalukuyang bilang ng kaso at lagay ng bawat barangay, bayan at siyudad sa Pampanga ukol sa naturang sakit.

Nagbahagi rin si Ar. Emiliano Clemente, LDRRMO ng Candaba, ng kanilang mga karanasan sa pagpapatupad ng localized zoning containment.

Ang Localized Zoning Containment Strategy ay isa sa pinakaepektibong paraan sa pagpigil ng pagkalat ng virus sa pamamagitan ng paglalagay sa pinakamaliit na apektadong lugar sa ilalim ng lockdown. Habang nasa granular lockdown ang isang lugar, mahigpit na ipagbabawal ang paglabas-masok ng mga apektadong residente. Nararapat din na isagawa rito ang paglilinis at pagdidisnfect ng lugar, at pagtitiyak na may mga pagkain ang mga apektadong residente.

Sa mensahe ni PD Myrvi Apostol-Fabia, muli niyang pinaalalahan ang mga opisyal ng barangay sa kanilang mga tungkulin at mga dapat gawin upang mapagpagbuti at mapalakas ang mga pagtugon sa pandemya.

"Kailangan nating kumilos ng iisang direksyon mula sa panlalawigang pamahalaan hanggang sa mga barangay. Marami pa tayong kailangang gawin para malabanan at mabawasan natin ang pagtaas ng kaso dito sa mahal nating lalawigan. Magkaisa at tulung-tulong tayo. Malakas ang Pilipino, kaya nating bumangon mula sa pandemyang ito." ani PD Fabia.

Dinaluhan ang aktibidad na ito ng mga Punong Barangay, Hepe ng Kapulisan, LDRRMO/LGU Focal on Zoning Containment, Local Health Officers, Rural Health Unit Heads at DILG Officers.

Patuloy ang DILG sa pag-antabay sa mga pagtugon ng mga lokal na pamahalaan kasama ang pagpapabilis ng vaccination rollout, paggamit ng mga isolation centers, at pakikisa sa contact tracing activities.