Pinangunahan ng DILG Pampanga noong ika-anim ng Setyembre 2021 ang pagsasanay ng mga LGU coaches na siyang tututok at gagabay sa mga Barangay Devolution Transition Committees habang binubuo ang kani-kanilang DTPs.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng Panlalawigang Opisina kung saan binigyang diin ang mahalagang papel ng mga city at municipal LGUs sa pagbibigay ng tulong at pagalalay sa mga barangay bilang parte ng kanilang oversight at supervisory functions. Ito rin ay isang stratehiya upang lalo pang mapalakas ang koordinasyon sa pagitan ng kagawaran at mga lokal na pamahalaan at mapagsikapang matapos ang mga DTPs sa takdang oras.
Ang mga nasabing LGU coaches ay kinabibilangan ng mga iba't-ibang kawani ng mga lokal na pamahalaan kabilang na dito ang administrador, LPDC, budget officer at HRMO.
Pokus ng aktibidad ang komprehensibong talakayan ukol sa lalamanin ng Barangay DTPs, pagsasalin ng kaalaman at aktuwal na pagsasanay sa pagsagot ng mga annexes sa pangunguna ng Provincial DTP-Capdev Coaching Team.
Ayon kay PD Myrvi Fabia, kailangan ang pagalalay sa mga barangay sa kanilang pagbuo ng plano at pagprioritize ng mga programa katugma at kahanay ng mga programang ipapatupad ng kanilang munisipyo at syudad. Ito ay bahagi ng pagpapalakas sa kakayahan ng mga barangay upang mas mabilis at mas epektibo ang mga paghahtid ng mga serbisyo sa mamamayan.