Inanunsyo ng DILG Central Office ang limang Lokal na Pamahalaan na nagwagi sa 2020 MANILA BAYani Awards and Incentives (MBAI). Kabilang sa mga ito ay ang Munisipalidad ng Baliwag na pumangalawa sa Kategorya ng mga Munisipyo.
Ang MBAI ay isang insentibo na ibinibigay sa mga Lokal na Pamahaalan na sumusunod sa pamantayan ng Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation Program (MBCRRP). Ang MBAI ay naglalayon ding kilalanin at parangalan ang mga Lokal na Pamahaalaan na nagpakita ng huwaran na implementasyon ng MBCRRP.
Ang mga lokal na pamahaalan ay sinuri sa mga sumusunod na outcome areas: Liquid Waste Management, Solid Waste Management, Informal Settler Families, Information Education Communication and Institutional Arrangements (IEC/IA).
Sa ilalim ng Liquid Waste Management, inilahok ng Munisipalidad ang kanilang Baliwag Climate Change Center na itinatag upang magsilbing local hub for research and development sa pagtugon sa climate change commitment. Dito ay maglalagay din ng soil and water testing facilities
Sa ilalim naman ng Solid Waste Management, inilahok ng Munisipalidad ang kanilang Community PanTREE Project na kung saan ito ay inilunsad bilang selebrasyon sa 2021 Earth Day at promosyon ng Environmental Preservation.
At sa Information Education Communication and Institutional Arrangements, inilahok naman ng Munisipalidad ang kanilang programa na Palit-Basura Stores. Ito ay inilagay sa bawat barangay at mga eskuwelahan na kung saan ang mga food wastes ay maaaring ipagpalit sa mga kagamitang pang-eskuwela.
Matatandaan na ang Munisipalidad ng Baliwag ay ang panrehiyong wagi sa Kategorya ng mga Munisipyo habang ang Munisipalidad ng Santa Maria ay ang panrehiyong ikatlong wagi sa Kategorya rin ng mga Munisipyo at ang Syudad naman ng San Jose Del Monte ang panrehiyong ikalawang wagi sa Kategorya ng mga Syudad.