MUST WATCH

              ZAMBALESAVP  

                 AN AUDIO VIDEO PRESENTATION    

Ang probinsya ng Zambales ay matagumpay na nalagpasan ang PCAT-VAWC Table Validation na ginanap nitong ika-4 ng Hunyo taong 2024 na ginanap sa Balin Sambali, Iba, Zambales. Kabilang sa mga umupo bilang validators ay sina LGOO V Ma. Bernadette M. Castro, LGOO III Pamela Herrera, Jewel Me Canare-De Leon, Head of Operations, Action, Inc. at si Sherryl Balatbat, PDO3-RIACAT VAWC Secretariat, DSWD.

Layunin ng isinagawang pagtatasa ay tukuyin ang antas ng kalidad ng pangganap ng PCAT-VAWC ng probinsiya bilang pangunahing makinarya sa pagsugpo sa mga isyung may kinalaman sa modernong anyo ng pang-aalipin, pagsasamantala, akto ng pagmamalupit at karahasan laban sa mga kababaihan at anak.

Sa pagtatapos ng gawain, ang mga miyembro ng komite ay nagpahiwatig ng kanilang commitment sa patuloy na pagpapalakas ng mga umiiral na kaparaanan sa pangangalaga at pagsagip sa mga bata at kababaihang biktima ng Trafficking in Person (TIP) at ng karahasan.

 

MARTIN PORRES B. MORAL, CESO V
Provincial Director

Log-in Form

Follow Us On

 

 DILG ZAMBALES FB ACCOUNT