Pinangunahan ng DILG Zambales katuwang ang mga kinatawan ng bawat lupon ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) ang pagtitipon na idinaos kanina, ika-13 ng Mayo, sa Tanggapang Panlalawigan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal.
Layunin ng nasabing pagtitipon ay mabuksan at matalakay ang mga patakda’an at mga mungkahi ng bawat lupon para sa mas maayos na pagdaraos ng nalalapit na 2nd Joint PPOC, PADAC and PTF-ELCAC Council Meeting na gaganapin sa Mayo 23, 2024, sa Balin Sambali, Sports Complex, Iba, Zambales.
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing pagpupulong ay sila LGOO V Jacqueline A. Calimlim, LGOO II Aljon S. Bautista, 1LT Alex B. Paz, SFO1 Hernan U. Quitaleg, PLTWL Ariel M. Narboada, Engr. Peter Rick C. Navora, at Pros. Ritchie John Distor Bolaño.