DILG ZAMBALES, KATUWANG ANG NGAS, PROVINCIAL DTC SA PAGBIBIGAY NG TULONG SA MGA LGUS SA PAGBALANGKAS NG DTP
- Details
- Written by DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 765
Pinangunahan ng DILG Zambales sa pamumuno ni Direktor Armi V. Bactad, ang coordination meeting ng DILG at iba pang National Government Agencies (NGAs) at kinatawan ng Provincial Devolution Transition Committee (DTC) upang talakayin ang mga paghahanda at mga stratehiya para sa maayos na pagsasagawa ng Provincial Orientation on the Preparation of Local Government Unit Devolution Transition Plans (LGU DTPs). Ito ay ginanapngayong araw, Agosto 20, 2021 sa pamamagitan ng zoom meeting.
Ang nasabing pagpupulong ay naglalayong matalakay ang mga tungkulin at responsibilidad ng bawat ahensya patungo sa maayos at sistematikong pag-gabay sa mga lokal na pamahalaan sa pagsasaayos ng kani-kanilang mga DTPs.
Ito ay dinaluhan ng mga mga kinatawan ng mga sumusunod na ahensya: Department of Agriculture (DA), Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH), Department of Justice (DOJ), Department of Labor and Employment (DOLE),Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI), National Irrigation Administration (NIA), Department of Information and Communication Technology (DICT), Civil Service Commission (CSC) and Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO). Kasama rin ang Provincial Planning and Development Coordinator (PPDC) na kinatawan naman mula sa Provincial DTC.