Masusing Inspeksyon ng FY 2023 SGLG-IF, Isinagawa sa Lokal na Pamahalaan ng Victoria
- Details
- Written by LGOO V Henrielle Justeene A. Tuliao
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 756
Masusing inspeksyon ang isinagawa ng DILG Tarlac sa tulong ng DILG Regional Office III para sa FY 2023 Seal of Good Local Governance ng Lokal na Pamahalaan ng Victoria upang masiguro na sumusunod ang lokal na pamahalaan sa pamantayan ng DILG sa pagsasagawa ng proyekto.
Ang naturang proyekto ay isang konkretong daan sa Barangay San Vicente, Victoria Tarlac. Ang farm-to-market road ay may layong mapadali ang pag-access ng mga residente sa mga pangunahing serbisyo ng bayan at maibsan ang problema sa konkretong daan ng naturang barangay.
Ang naturang inspeksyon ay dinaluhan ng DILG Tarlac sa pangunguna ni DILG Tarlac Provincial Director Armi V. Bactad, CESO V, DILG Regional Office III, at ng Lokal na Pamahalaan ng Victoria.
Courtesy Call of New BFP-Tarlac Provincial Fire Marshal Roberto C. Miranda to DILG Tarlac Provincial Director Armi V. Bactad, CESO V
- Details
- Written by LGOO V Henrielle Justeene A. Tuliao
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 360
On May 7, 2024, the newly-installed Bureau of Fire Protection - Tarlac Provincial Fire Marshal FSSupt. Roberto C. Miranda paid a courtesy call to DILG Tarlac Provincial Director Armi V. Bactad, CESO V at DILG Tarlac Provincial Office, Tarlac City.
#MatinoMahusayMaaasahanatMapagkakatiwalaan
Probinsyal na Pagpupulong para sa Buwan ng Abril, Isinagawa ng DILG Tarlac
- Details
- Written by PEO II Reignchil Kraizz Bactad
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 1119
Matagumpay na nagsagawa ang DILG Tarlac ng Probinsyal na Pagpupulong o PTC ngayong Buwan ng Abril na may layong magbigay ng pagkakataon para sa mga kawani ng Kagawaran ng Interyor at Pamahaalang Lokal o DILG sa lalawigan ng Tarlac upang magtipon, magbahagi ng mga update, at magplano ng mga hakbang para sa hinaharap.
Sa naganap na pagpupulong ay binigyang pugay ni DILG Tarlac Provincial Director Armi V. Bactad, CESO V ang mga natanggap na pagkilala ng lalawigan mula sa iba’t ibang programa ng DILG sa mga nakalipas na linggo ngayong buwan. Ilan sa mga ito ay ang pagkamit ng tagumpay matapos makapasok sa TOP 10 na unang natapos na proyekto sa ilalim ng FY 2023 Seal of Good Local Governance – Incentive Fund ang tatlong munisipalidad sa buong bansa – Camiling (TOP 5), Tarlac City (TOP 7), Pura, (TOP 9).
Matagumpay na natapos ang buwanang pagpupulong nang may masusing talakayan at pagpaplano ng mga susunod na hakbang upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat lokal na pamahalaan.