Ang Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) Provincial Assessment Committee (PAC), na pinamumunuan ni Panlalawigang Patnugot Armi V. Bactad, CESO V ay nagsagawa ng Table Validation noong ika-15 ng Abril, 2024 sa DILG Tarlac Provincial Office, upang matiyak ang kalidad ng dokumento ng mga nominadong Barangay para sa tatlong kategorya.
Kasama ni Dir. Bactad, ay sina Regional Trial Court Executive Judge Edwin S. Bonifacio, Department of Justice - Tarlac Provincial Prosecutor Fiscal Cristina S. Lenon, Liga ng mga Barangay President Hon. Jose M. Salting Jr. na kinatawan ni Barangay Kagawad Romeo Ramos, Tarlac Police Provincial Office Provincial Director PCOL. Miguel M. Guzman na kinatawan ni PMAJ Joshua Gonzales, at Bigkis Task Force, Inc. Founder G. Felix Cabugnason na kinatawan ni Bb. Jenna S. Panaligan.
Sinuri ng PAC ang mga means of verification (MOV) na isinumite ng mga City/Municipal Awards Committee. Ang Barangay San Carlos, Tarlac City ang idineklara na panalo para sa kategoriya ng Component City.
Samantala, para sa 1st-3rd Class Municipality na kategoriya, nakuha ng Barangay O’Donnell, Capas ang unang puwesto at sa pangalawa at ikatlong puwesto naman ay ang Barangay New Salem, Gerona at Barangay Camposanto Norte, Moncada.
Bilang karagdagan, ang Barangay Poblacion Norte, San Clemente ang idineklara na panalo para sa 4th-6th Class Municipality na kategoriya, at sinundan naman ng Barangay San Juan, Anao at Barangay Baguindoc, Anao para sa ikalawa at ikatlong puwesto.
Layunin ng LTIA na bigyang insentibo at kilalanin ang mga natatanging Lupong Tagapamayapa na nagpakita ng kahusayan sa pagpapatupad ng Katarungang Pambarangay.
#SIKADTarlac
#TatagatLakasngTarlac
#TALAngTarlac
#TresTheBest
#TANGLAW
#MatinoMahusayMaaasahan