Matagumpay na nagsagawa ang DILG Tarlac ng Probinsyal na Pagpupulong o PTC ngayong Buwan ng Abril na may layong magbigay ng pagkakataon para sa mga kawani ng Kagawaran ng Interyor at Pamahaalang Lokal o DILG sa lalawigan ng Tarlac upang magtipon, magbahagi ng mga update, at magplano ng mga hakbang para sa hinaharap.
Sa naganap na pagpupulong ay binigyang pugay ni DILG Tarlac Provincial Director Armi V. Bactad, CESO V ang mga natanggap na pagkilala ng lalawigan mula sa iba’t ibang programa ng DILG sa mga nakalipas na linggo ngayong buwan. Ilan sa mga ito ay ang pagkamit ng tagumpay matapos makapasok sa TOP 10 na unang natapos na proyekto sa ilalim ng FY 2023 Seal of Good Local Governance – Incentive Fund ang tatlong munisipalidad sa buong bansa – Camiling (TOP 5), Tarlac City (TOP 7), Pura, (TOP 9).
Matagumpay na natapos ang buwanang pagpupulong nang may masusing talakayan at pagpaplano ng mga susunod na hakbang upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat lokal na pamahalaan.
#SIKADTarlac
#TatagatLakasngTarlac
#TALAngTarlac
#TresTheBest
#TANGLAW
#MatinoMahusayMaaasahan