Tarlac City, Tarlac - Ngayong araw ay matagumpay na pinasinayaan ng lungsod ng Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles ang proyekto ng FY 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund.
Bahagi ng kanilang flag ceremony ngayong araw ang turnover and acceptance ceremony ng naturang proyekto sa pangunguna ng DILG Tarlac.
Sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Tarlac City sa DILG Tarlac ay naisakatuparan ng lungsod ang pagkakaroon ng dalawang yunit ng passenger van na tinatayang nagkakahalaga ng P2,790,000.00.
Ang mga karagdagang sasakyan na ito ay naglalayong masubaybayan at matutukan ang katayuang panlipunan ng bawat Tarlakenyo sa lungsod.
Ang naturang proyekto ay nakatanggap ng pagkilala sa DILG bilang Top 7 sa mga naunang natapos na proyekto sa ilalim ng FY 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund Projects sa buong bansa.
Ang inagurasyon ng dalawang yunit ng sasakyan ay dinaluhan ng DILG Tarlac sa pamumuno ni DILG Tarlac Provincial Director Armi V. Bactad, CESO V, at nang lokal na pamahalaan ng Tarlac City.
#SIKADTarlac
#TatagatLakasngTarlac
#TALAngTarlac
#TresTheBest
#TANGLAW
#MatinoMahusayMaaasahan