DILG Zambales, katuwang ang mga NGAs, Provincial DTC sa pagbibigay ng tulong sa mga LGUs sa pagbalangkas ng DTP
- Details
- Written by LGOO II Paulin Johanne Reyes and LGOO II Rose Ann Agostosa from DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 1470
Pinangunahan ng DILG Zambales sa pamumuno ni Direktor Armi V. Bactad, ang coordination meeting ng DILG at iba pang National Government Agencies (NGAs) at kinatawan ng Provincial Devolution Transition Committee (DTC) upang talakayin ang mga paghahanda at mga stratehiya para sa maayos na pagsasagawa ng Provincial Orientation on the Preparation of Local Government Unit Devolution Transition Plans (LGU DTPs). Ito ay ginanap noong Agosto 20, 2021 sa pamamagitan ng zoom meeting.