×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 23522

Nailuklok bilang kinatawan ng Presidents of League of Municipalities ng Gitnang Luzon si Igg. Estelita M. Aquino, Alkalde ng Moncada, Tarlac, at Presidents of City Mayors ng Gitnang Luzon si Igg. Nestor L. Alvarez, Alkalde ng Science

 Bilang paghahanda sa implementasyon ng Mandanas-Garcia Supreme Court Ruling sa darating na taong 2022, pinangunahan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Rehiyon 3, Dibisyon ng Pagpapaunlad ng Kakayahan, ang pulong na naglalayong maghalal ng mga kinatawan ng League of Municipalities at City Mayors para sa bubuuing Regional Committee on Devolution ngayong ika-20 ng Agosto 2021.

Sa kanyang pambungad na mensahe, binigyang diin ni Dir. Jay E. Timbreza, OIC Punong Tagapagpatupad ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Rehiyon 3, ang importansya ng nasabing pulong para mabigyang tugon ang derektibang nakasaad sa Section 9 ng Implementing Rules and Regulation ng Executive Order No. 138 on Full Devolution ukol sa pagbuo ng Regional Sub-Committees of the Committee on Devolution. Kaugnay nito, pinangunahan ni LGOO VII Ener P. Cambronero, Punong Tagpagpatupad ng Dibisyon ng Pagpapaunlad ng Kakayahan, ang pasilitasyon ng pagpili ng mga kinatawan ng Presidents of League of Municipalities at Presidents of City Mayors ng Gitnang Luzon para sa Regional Committee on Devolution ng Rehiyon 3.

Kabilang sa mga dumalo ay ang mga pangulo ng League of Municipalities , pangulo ng mga City Mayors, at mga kinatawan ng mga alkaldeng kabilang sa mga pangulo ng League of Municipalities at City Mayors ng Rehiyon 3.