Sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19, ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ay muling nag-hire at nagtalaga ng mga contact tracers (CTs) upang matiyak ang tuloy-tuloy na implementasyon ng contact tracing sa rehiyon na itinuturing na isang epektibong estratehiya para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Naitalaga sa probinsya ang tatlong daan apat na pu't anim (346) na CTs sa Pampanga at naka-deploy sa dalawampu't isang lungsod at bayan ng probinsya para maging katuwang ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng kanilang kapasidad kontra Covid-19. Datihan na sa trabahao ang mga na-renew na contact tracers at muling kinuha ng departamento base sa kanilang kasanayan at kaaalaman sa pagtukoy at pagtunton ng mga close contacts.
Samantala, nagpasalamat si Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia sa mga CTs at sa kanilang walang pasubaling dedikasyon at determinasyon na gampanan ang kanilang tungkulin sa kabila ng panganib na dala ng virus.
"Ngayon, higit kailanman kinakialangan ang kolaborasyon at pakikipagtulungan ng bawat isa ng sa gayon ay unti-unti nating mapagtagumpayan ang labang ito. Hindi ito magiging madali lalo pa't napaka agresibo ng virus ngunit kakayanin natin ito kung tayo ay sama-sama. Hangad ko din lagi ang kaligtasan ng bawat isa," saad ni PD Fabia.