Ang Regional Peace and Order Council (RPOC) Central Luzon ay nagsagawa ng ikatlong sangkapat na pagpupulong para sa taong 2021 sa pamamagitan ng Zoom application noong ika-25 ng Agosto, 2021.
Tinalakay at napag-usapan sa nasabing pagpupulong ang mga kasalukuyang isyu tungkol sa pangrehiyong pangkapayaan at seguridad, kriminalidad, iligal na droga at pandemya dulot ng COVID-19 sa Gitnang Luzon.
Binigyang diin ni Gobernador Hermogenes E. Ebdane, Jr., Tagapangulo ng RPOC Central Luzon, sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang plano upang mapanatili at maipagpatuloy ang mga programang pangkapayapaan ng ating pamahalaan.
Ang naturang pagpupulong ay dinaluhan ng mga miyembro ng RPOC 3 mula sa ibat-ibang Ahensiya ng Pamahalaang Nasyonal, mga lokal na punong ehekutibo at iba pang mga kinatawan o representante.