Sa pangunguna ni LGOO VI Milaflor A. Torcadilla, MLGOO ng DILG Palauig at LGOO VI Rose Ann D. Agostosa, DILG Zambales Program Manager, katuwang ang bawat kinatawan mula sa Retooled Community Support Program (RCSP) Core Team ng lokal na pamahalaan ng Palauig, idinaos ang Convergence Meeting noong ika-14 ng Mayo 2024 na ginanap sa Conference Hall, Municipal Hall, Palauig, Zambales.
Ang pagpupulong na ito ay naglalayong mailatag ang mga hakbangin para matiyak ang maayos na implementasyon ng RCSP sa dalawang beneficiary barangays ng Palauig – Brgy. Liozon at Lipay. Kabilang dito ang pagpaplano para sa mga gaganapin immersion activities katulad ng Ugnayan sa Barangay, Serbisyo Caravan at Information Drive.
Dumalo din sa nasabing pagpupulong ang mga kinatawan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP), Hukbong Katihan ng Pilipinas (Philippine Army), Kawanihan ng Tagapangalaga Laban sa Sunog (BFP), Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), mga kinatawan ng nabanggit na barangay at mga pinuno iba’t-ibang departamento ng lokal na pamahalaan.