MUST WATCH

              ZAMBALESAVP  

                 AN AUDIO VIDEO PRESENTATION    

Sa pangunguna ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal kasama ng Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales, Local Legislative Award - Provincial Award Committee (LLA-PAC),  Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) at Philippine Councilors League (PCL) - Zambales Chapter, matagumpay na idinaos ang 2023 Local Legislative Award (LLA) Provincial Orientation noong ika-3 ng Agosto 2023. 

Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng mga Bise Alkalde, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga Kalihim ng Sangguniang Bayan ng  labintatlong (13) munisipalidad ng lalawigan. Dumalo rin ang mga miyembro ng Local Legislative Award - Provincial Award Committee (LLA-PAC) at Municipal Local Government Operations Officers (MLGOOs).

Ipinahayag ni Bise Alkalde Joan Ballesteros ang kanyang mainit na pagtanggap sa mga panauhin ng naturang oryentasyon gayundin ang kanyang positibong hangarin para makamit ang prestihiyosong parangal para sa mga sangguniang nagpamalas ng katangi-tanging pagganap sa kani-kanilang tungkulin, ...Today, we gather here to embark on a journey that celebrates excellence in governance and leadership. I am deeply honored to stand before this esteemed gathering, comprising distinguished members of our local government units, legislators, and dedicated public servants who strive tirelessly to make a positive impact on the lives of our fellow citizens. The Local Legislative Award is not just a recognition of outstanding achievements; it represents a commitment to the ideals of good governance, transparency, and accountability”. 

Inilahad naman ng Panlalawigang Patnugot ng DILG, Martin Porres B. Moral ang sanligan, layunin ng LLA, pamantayan ng paggawad ng parangal at komposisyon ng Provincial Awards Committee

Ang DILG Memorandum Circular No. 2023-092 at Supplemental Guidelines, na magiging gabay sa nasabing parangal, ay ibinahagi at pinalawig naman ni LGOO II Paulin Johanne–LLA Provincial Focal Person. Ang mga katanungan ng mga kalahok ay binigyang linaw din ng LLA-PAC Members. 

Ang programa ay naglalayon na kilalanin at mabigyan ng mga parangal at insentibo ang mga huwarang Sangguniang Bayan sa pagganap ng kanilang mga tungkulin, gamit ang mga patnubay ng Local Legislative Award.

 

MARTIN PORRES B. MORAL, CESO V
Provincial Director

Log-in Form

Follow Us On

 

 DILG ZAMBALES FB ACCOUNT