Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, parami na rin ang mga paraan upang magamit ang teknolohiya sa pagsulong ng edukasyon. Kaya naman sa pamamagitan ng Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF), minarapat ng lungsod ng San Fernando na igawad ang isang Digital Audio-Visual Room (AVR) sa kanilang City College.