
Nagtipon-tipon ang DILG Pampanga para sa Panlalawigang Pagpupulong at Pagpaplano ngayong ika-25 ng Pebrero 2025, kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Puso ay ang pagbibigay importansya sa kalusungan nito. Hinikayat din ng opisina ang lahat na pangalagaan ang kalusugan ng puso sa pamamagitan ng malusog na pamumuhay at regular na pagpapasuri.
Layunin ng buwanang pagpupulong na ito na suriin ang mga itinakdang layunin, magbigay ng gabay at paalala sa pagsasagawa ng mga ulat, at talakayin ang iba pang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa operasyon ng tanggapan.
Dagdag pa rito, tinalakay nang masinsinan ni LGOO II Ma. Remedios Malang ang proseso, deadlines, at importansya ng Lupong Tagapamayapa Incentives Awards Information System (LTIAIS). Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng tamang pag-upload ng mga kinakailangang dokumento sa LTIAIS.
Ipinunto din sa pagpupulong ang pagbabago sa organisasyon, kabilang ang pormal na pagkilala sa mga bagong na-promote at bagong empleyado, na pinangunahan nina Provincial Director Myra B. Moral-Soriano, CESO V at Officer-in-Charge Program Manager Alexandra C. Velasquez na sumasalamin sa patuloy na paglago at pagpapatibay ng tanggapan.