Opisyal nang sinimulan ang unang batch ng BARANGAYAN:Training for Lupong Tagapamayapa on Katarungang Pambarangay and Other Special Laws ngayong Pebrero 26-27, 2025, sa Greene Manor Hotel, San Fernando, Pampanga. Ang inisyatibong ito ay isang mahalagang hakbang upang patatagin ang hustisya sa komunidad at mapalakas ang lokal na pamamahala.


Pinangungunahan ng DILG Pampanga, sa ilalim ng SAUP Barangay component ng Ing Kulitan, at sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga, Integrated Bar of the Philippines, Department of Justice at Public Attorney’s Office, layunin ng programang ito na bigyang-kakayahan ang mga opisyal ng barangay sa epektibong paglutas ng mga hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng Katarungang Pambarangay at iba pang mahahalagang batas.


Sa patuloy nating pagpapatibay sa ating mga barangay, tayo’y nagtataguyod ng mas makatarungan at mapayapang pamayanan. Abangan ang susunod na bahagi ng BARANGAYAN, mga KayAbe!