Opisyal nang sinimulan ang unang batch ng BARANGAYAN:Training for Lupong Tagapamayapa on Katarungang Pambarangay and Other Special Laws ngayong Pebrero 26-27, 2025, sa Greene Manor Hotel, San Fernando, Pampanga. Ang inisyatibong ito ay isang mahalagang hakbang upang patatagin ang hustisya sa komunidad at mapalakas ang lokal na pamamahala.

 

Nagtipon-tipon ang DILG Pampanga para sa Panlalawigang Pagpupulong at Pagpaplano ngayong ika-25 ng Pebrero 2025, kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Puso ay ang pagbibigay importansya sa kalusungan nito. Hinikayat din ng opisina ang lahat na pangalagaan ang kalusugan ng puso sa pamamagitan ng malusog na pamumuhay at regular na pagpapasuri.