Sa isang makabuluhang pagtitipon, nagbigay-pugay ang mga kawani ng DILG Pampanga sa apat na mahahalagang kasamahan sa kagawaran.

Pinarangalan sina LGOO VI Marites C. Miranda at LGOO VI Jacqueline R. Tallada para sa kanilang kahanga-hangang dedikasyon at higit tatlong dekada ng tapat na paglilingkod sa Kagawaran. Ang kanilang mahalagang kontribusyon ay nag-iwan ng hindi matatawarang epekto sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala sa mga lokal na pamahalaan ng Pampanga.


Kasabay nito, nagpaalam na rin si LGOO VI Candy Claire Veneracion, na magpapatuloy sa mga bagong oportunidad sa labas ng Kagawaran, at kay LGOO VI Mark Jason Veran, na pansamantalang lilisan para sa kanyang pag-aaral sa ilalim ng programang pang-edukasyon ng Kagawaran.


Sa kanyang mensahe, pinuri ni PD Myra Soriano ang mga retirado at mga aalis na kawani, “Ang inyong mga kontribusyon sa DILG Pampanga ay tunay na kahanga-hanga. Pinapahalagahan namin ang inyong serbisyo, dedikasyon, at pagmamalasakit sa pampublikong paglilingkod. Kayo ay inspirasyon sa inyong mga kasamahan at sa mga komunidad na inyong pinagsilbihan. Hangad namin ang inyong tagumpay sa mga susunod na kabanata ng inyong buhay.”


Ang programa ay idinaos sa pamamagitan ng mga mensahe ng pasasalamat, pagbabahagi ng mga alaala mula sa mga kasamahan, at mga parangal bilang pagkilala sa walang kapantay na serbisyo at dedikasyon ng mga retirado at mga aalis na kawani.