Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, parami na rin ang mga paraan upang magamit ang teknolohiya sa pagsulong ng edukasyon. Kaya naman sa pamamagitan ng Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF), minarapat ng lungsod ng San Fernando na igawad ang isang Digital Audio-Visual Room (AVR) sa kanilang City College.
Ang Digital AVR ay inaasahang makakatulong sa mga guro na mapalakas at maging mabisa sa pagbibigay ng kaalaman sa mga mag aaral ng nasabing Kolehiyo.