Anim na Benepisyaryong Barangay ng Zambales para sa 2022 SBDP, sumailalim sa isang Panlalawigang Oryentasyon
- Details
- Written by DILG Zambales LFP Team
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 1438

Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) ng Zambales, sa pamumuno ni Direktor Armi V. Bactad ay nagsagawa ng isang panlalawigang oryentasyon upang matulungan ang anim (6) na barangay ng Zambales, na itinalagang mga benepisyaryo ng Support to Barangay Development Program (SBDP) para sa taong 2022, sa paghahanda ng kani-kanilang listahan ng mga prayoridad na proyekto noong Setyembre 20, 2021, 2:00 NH, gamit ang zoom meeting application.