×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 23522

Alinsunod sa layong pagibayuhin ang mabuting pamamahala ng mga lokal na pamahalaan, pinangunahan ng DILG Pampanga ang isang oryentasyon para sa implementasyon ng 2021 Pilot Testing of the Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB) sa mga piling barangay sa Pampanga nitong Biyernes, Setyembre 10, 2021.

 Ang SGLGB ay isa sa mga pangunahing programa ng Kagawaran kung saan sinusuri ang kalidad ng pagbibigay-serbisyo at pagtalima sa tungkulin ng isang barangay batay sa mga umiiral na batas. Sa ilalim nito, anim na aspeto ng pamamahala ang titingnan. Para sa Core Areas, kabilang dito ang Safety, Peace and Order, Financial Administration and Sustainability, at Disaster Preparedness. Para naman sa Essential Areas, kasama ang Social Protection and Sensitivity, Business-friendliness and Competitiveness, at Environmental Management.

Ang pagtukoy naman ng mga pasadong barangay ay sunod sa "3+1 principle" kung saan kinakailangang maipasa ang lahat ng Core Areas at isa alinman sa Essential Areas.
Sa taong ito, 21 barangay ang napiling lumahok sa nasabig pilot testing kung saan isang barangay sa bawat bayan at siyudad sa Pampanga ang napili.

Ilan sa mga naging sentro sa nasabing aktibidad ang diskusyon sa mga pamantayan sa pagtatasa, gayundin ang mga dokumento at rekisitong kailangan sa pagasasagawa ng naturang programa.

Kasama rin ang pagpapakilala sa SGLGB Information System (IS) na siyang gagamitin sa pagsusuri at pagsusumite ng mga resulta.

Ang oryentasyong ito ay nilahukan ng mga Kalihim ng mga piling barangay at mga DILG Field Officers.