Ang DILG Castillejos katuwang ang Castillejos Municipal Devolution Transition Committee (DTC) ay nagsagawa ng pagsasanay para sa pagbabalangkas ng Barangay Devolution Transition Plan noong ika-9 ng Setyembre 2021 sa pamamagitan ng google meet.
Si LGOO VI Sheryl Ann Q. Dungca ay nagbigay ng pangkalahatang ideya ng aktibidad at tinalakay ang mga legal na basehan ng implementasyon ng Supreme Court ruling sa Mandanas-Garcia petisyon na kung saan ang pondo ng mga yunit ng pamahalaang lokal ay magkakaroon ng pagtaas at ngayon ay tinatawag na National Tax Allotment o NTA. Ang aktibidad ay nagsilbi ding pagkakataon upang ibigay ang alituntunin sa pagbalangkas ng LGU Devolution Transition Plan (DTP).
Ang Castillejos Devolution Transition Committee sa pangunguna ni Punong Bayan Eleanor D. Dominguez ay nagpahayag ng suporta sa barangay upang mabuo ang kanilang Devolution Transition Plan.
"We should embrace the change" at ang nararapat nating gawin ay paghandaan ang pagbabago upang maayos nating magawa ang mga pagbabagong kaakibat ng full devolution, pahayag ni Mayor Dominguez.
Ipinaabot din ni Mayor Dominguez ang kanyang pasasalamat sa DILG dahil sa pagsasagawa ng ganitong aktibidad upang mas matutukan ang mga barangay sa pagbibigay ng mga stratehiya sa pagbalangkas na naaayon sa kakayahan at sitwasyon ng mga barangay.
Ang Liga ng mga Barangay sa pangunguna ni Kgg. Romeo D. Calimlim II ay nagpasalamat sa kooperayon ng bawat miyembro ng barangay na tumutulong upang mabuo ang Barangay DTP. Ang aktibong partisipasyon ng bawat isa at pagboluntaryo na maipakita ang kanilang workshop output ay isang senyales na handang tumalima ang barangay sa mga alintunin patungo sa full devolution.
Ang Barangay DTP ay magsisilbing gabay upang ganap na maipatupad ang full devolution sa susunod na tatlong taon, mula 2022 hanggang 2024. Kasama ang labing apat (14) na barangay ng Castillejos, ang Barangay Council kasama ang mga Civil Society Organizations (CSO) ay nagkaroon ng pagbuo ng kakayahan para sa kanilang Barangay DTP.
Ang mga barangay ay mayroon hanggang ika-13 ng Oktubre 2021 o anim-na-pung araw mula ng napirmahan ang DILG-DBM Joint Memorandum Circular No. 2021-01 upang maipasa ang Barangay DTP sa Lokal na Pamahalaan ng Castillejos upang masuri ng Municipal DTC. Ang pagbababalangkas ng Barangay DTP ay serye ng mga aktibidad upang matutukan ang mga barangays sa pagbuo ng comprehensibong Barangay DTP.