DILG Zambales, ZPPO, Local Chief Executives at Local Health Officers, Binalangkas ang mga Stratehiya ng Probinsiya Kontra COVID-19
- Details
- Written by DILG Zambales
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 1291
Pinulong ni Governor Hermogenes E. Ebdane, Jr. ang mga punong bayan ng mga munisipalidad ng Zambales kabilang na din ang kani-kanilang mga Municipal Health Officers (MHOs) upang pag-usapan at balangkasin ang mga stratehiya ng buong lalawigan upang labanan ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa probinsya noong ika-27 ng Agosto, 2021. Ito ay sa kabila na din ng pagtatala ng unang kaso ng Delta variant sa lalawigan, katulad ng naianunsyo ng Gobernador kagabi, sa pamamagitan ng Zambales for the People Facebook Page.