MUST WATCH

              ZAMBALESAVP  

                 AN AUDIO VIDEO PRESENTATION    

Ang Munisipalidad ng Subic ay naghahanda para sa pagpapatupad ng Mandanas-Garcia Ruling sa taong 2022 sa pamamagitan ng pagbuo ng Devolution Transition Plan (DTP) sa pulong na isinagawa noong Setyembre 08, 2021 sa Sangguniang Bayan Session Hall, Subic, Zambales.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng lahat ng mga pinuno ng kagawaran ng munisipalidad, kung saan tinalakay ang mga lantarang tampok ng Mandanas-Garcia Ruling at mga alituntunin sa paghahanda ng mga Plano ng Pagbabago kaugnay ng ganap na debolusyon sa mga pamahalaang lokal.
Ito ang paunang inisyatibo mula sa serye ng mga gawain na itinakda ng munisipalidad sa pagtiyak na handa ang Subic sa ganap na paggampan ng mga tungkuling iaatang mula pamahaalaang nasyonal simula taong 2022.
Ang DTP ay isang plano upang matiyak na handa, sistematiko, at magkakaugnay ang aksyon ng pamahalaang lokal tungo sa full devolution ng kanilang ibabahaging gampanin, pasilidad at serbisyo simula sa taong 2022. Ito ang magsisilbing gabay upang mas mapalakas ng LGU ang kanilang serbisyo at kakayahan sa susunod na tatlong taon.
Isininulat ni:
LGOO VI Kristine Joy B. Pesimo

 

MARTIN PORRES B. MORAL, CESO V
Provincial Director

Log-in Form

Follow Us On

 

 DILG ZAMBALES FB ACCOUNT