Featured LFP: Pagpanday ng Daang Patungo sa Kaunlaran
- Details
- Written by DILG Bataan
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 83
Sa gitna ng malawak na bukirin ng Barangay Cataning, tila hindi gumagalaw ang oras. Sa bawat patak ng ulan, ang dating putikang daan ay nagiging balakid sa mga magsasakang nais magdala ng ani, sa mga mag-aaral na kailangang pumasok sa paaralan, at sa mga nanay na pumupunta sa bayan para mamalengke. Ngunit noong Mayo 2024, nagbago ang takbo ng kwento ng barangay na ito. Tumindig sa gitna ng dating maputik na tanawin ang konkretong kalsada ng Sitio Bani-Cataning Road—isang proyektong hindi lamang nagpabago sa pisikal na anyo ng lugar kundi naghatid din ng bagong pag-asa at progreso para sa bawat residente.
Read more: Featured LFP: Pagpanday ng Daang Patungo sa Kaunlaran