DILG Nueva Ecija, nagsagawa ng panlalawigang oryentasyon sa paggawa ng LGU Devolution Transition Plans
- Details
- Written by DILG Nueva Ecija
- Category: NEWS AND EVENTS
- Hits: 3717

Alinsunod sa isinagawang Pangrehiyong Oryentasyon sa Paggawa ng LGU Devolution Transition Plans noong ika-11 hanggang ika-13 ng Agosto 2021, nagsagawa ang tanggapan ng DILG Nueva Ecija ng Panlalawigang Oryentasyon sa Paggawa ng LGU Devolution Transition Plans noong ika-18 hanggang ika-20 ng Agosto 2021 sa pamamagitan ng Zoom video teleconferencing application. Ang oryentasyon para sa pamahalaang panlalawigan ay isinagawa noong ika-18 ng Agosto. Ang oryentasyon naman para sa Cluster I o sa mga pamahalaang panlungsod/pambayan ng una at ikaapat na distrito ng lalawigan ay isinagawa noong ika-19 ng Agosto. Nagtapos ang oryentasyon sa Cluster II o sa mga pamahalaang panlungsod/pambayan ng ikalawa at ikatlong distrito noong ika-20 ng Agosto.